N`ong isilang ka sa mundong ito laking tuwa ng magulang mo at ang kamay nila ang iyong ilaw at ang Nanay at Tatay mo`y di malaman ang gagawin minamasdan pati pag-tulog mo at sa gabi napupuyat ang iyong Nanay sa pag-timpla ng gatas mo at sa umaga nama`y kalong ka nang iyong Ama tuwang-tuwa sa `yo ngayon nga`y malaki ka na at nais mo`y maging malaya di man sila payag walang magagawa Ikaw nga`y biglang nagbago naging matigas ang iyong ulo at ang payo nila`y sinuway mo di mo man lang inisip na ang kanilang ginagawa`y para sa `yo pagkat ang nais mo`y masunod ang layaw mo, di mo sila pinapansin nagdaan pa ang mga araw at ang landas mo`y naligaw Ikaw ay nalulung sa masamang bisyo at ang una mong nilapitan ang `yong Inang lumuluha at ang tanong anak ba`t ka nagkaganyan at ang iyong mga mata`y biglang lumuha nang di mo napapansin pagsisisi ang sa isip mo`t nalaman mo ika`y nagkamali